Pamantasang Mahal
Pamantasan, Pamantasang Mahal Nagpupugay kami't nag-aalay Ng Pag-ibig, taos na paggalang Sa patnubay ng aming isipan.
Karunungang tungo'y kaunlaran Hinuhubog kaming kabataan Maging Pilipinong mero'ng dangal Puso'y tigib ng kadakilaan.
Pamantasang Lungsod ng Maynila Kaming lahat dito'y iyong punla Tutuparin pangarap mo't nasa Pamantasan kami'y nanunumpa. Pamantasan kami'y nanunumpa.
The lyrics of the University Hymn was composed in 1968 by Gatpuno Antonio J. Villegas, Mayor of Manila, and was presented to the Board of Regents in Maharnilad (official name of the famous Manila City Hall). The music was composed by Prof. Felipe Padilla de Leon.
PLM Mabuhay
Tayo’y magdiwang PLM Mabuhay! Ang dunong mong aral Ay aming patnubay.
Kami’y Nagpupugay Ng buong paggalang Dangal ka ng bayan PLM Mabuhay!
Ang karunungan na tanging yaman Ay humuhubog ng gintong asal Sa kaunluran amin kang ilaw Tanging liwanag upang magtagumpay.
‘Di malilimutan ang kadakilaan Mananatili ka sa puso’t isipan Dangal ka ng bayan PLM Mabuhay!
|